Bus drivers na tadtad ng traffic violations, bawal nang bumiyahe
MANILA, Philippines — Hindi na papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makabiyahe ang mga bus drivers na may napakaraming paglabag sa batas-trapiko matapos ang pulong sa pagitan ng mga bus operators sa Metro Manila.
Napagkasunduan sa pulong na uumpisahan na ipagbawal ang pagbiyahe ng mga ‘habitual violators’ na drivers simula sa Marso 9, araw ng Lunes.
“A representative from LTO will join our personnel at our Bus Management Dispatch offices to screen city bus drivers. They will not be dispatched if they are included in the list of habitual violators. Their driver’s license will be confiscated by LTO as MMDA is not allowed to do so,”ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia. May mga Bus Management Dispatch Office ang MMDA sa Baclaran, Alabang, Navotas, Valenzuela at Fairview kung saan binibigyan ng dispatch approval ang mga tsuper.
Pumayag na rin umano ang mga bus operators na isailalim sa ‘re-training program’ ang kanilang mga tsuper sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ito ay upang ipakita ng MMDA na talagang seryoso sila na matanggal sa mga kalsada ang mga tsuper na paulit-ulit na lumalabag sa batas trapiko at inilalagay sa kapahamakan hindi lamang ang sarili ngunit maging ang kanilang mga pasahero at ang publiko dahil sa kawalan ng disiplina.
- Latest