^

Metro

Chinese patay sa holdapan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chinese patay sa holdapan

May kuneksyon sa POGO?

MANILA, Philippines — Patay ang isang Chinese national habang isa pa ang malubhang nasugatan nang pasukin sila at pagbabarilin ng mga kapwa Tsino na tumangay ng malaking halaga ng salapi sa loob ng isang restawran sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Yin Jian Tao, 33, IT employee, habang isinugod sa Makati City Medical Center ang sugatan na si Zheng Kai, 26, online employee at kapwa nangu­ngupahan sa isang condominium sa Brgy. Bel-Air, ng naturang lungsod. 

Arestado ang dalawa sa mga suspek na sina Yang Chao Wen, 32, at Liang Yuan Wu, 29 habang pinaghahanap ang isa nilang kasama na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang krimen dakong alas-10 kama­kalawa ng gabi sa VIP room ng Jiang Nan Hot Pot Restaurant sa No. 223 N.Garcia, Brgy. Bel-Air, ng naturang lungsod.

Ayon kay Southern Police District (SPD) acting Director PCol Emmanuel Peralta, kumakain ang mga biktimang sina Zheng at Yin kasama ang kaniyang misis nang dumating sa restawran ang mga suspek. Agad na binaril ng mga suspek ang dalawang biktima saka mabilis na umalis.

Sinabi pa ng heneral na may dalang pera ang mga biktima na humigi’t kumulang P300,000. Tinangay umano ito ng mga suspek makaraan ang pamamaril. 

Nadakip ng mga tauhan ng Bantay Bayan ang dalawang suspek ngunit nagawang makatakas ng isa sa kanila. Dalawang kalibre .45 at isang 9mm na baril na may mga bala ang nakumpiska sa kanila maging ang pera na kanilang tinangay.

Inisyal na motibo ng pulisya ang robbery pero iniimbestigahan rin kung may kaugnayan ang krimen sa operasyon ng POGO dahil sa mga IT experts ang dalawang binaril. 

Nakaditine sa Makati City Police Jail ang mga suspek na sasampahan ng kasong Murder at Frustrated Murder sa Makati City Prosecutors Office.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with