^

Metro

POGO sa Pasay isinara ng BIR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
POGO sa Pasay isinara ng BIR
Binalaan ni BIR Commissioner Commissioner Caesar R. Dulay, ang mga negos­yante laluna ang mga POGO operators na papatawan ng kaukulang multa at parusa ang mga ito oras na mapatunayang ‘di nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isinara ng mga elemento ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) - Task Force Pogo ang isang POGO outlet dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Ang Synchronization Anywhere For You Inc. na matatagpuan sa Pasay City ang kauna-unahang POGO na naisara ng BIR dahil sa pagkabigo ng licensee/ope­rator nito na bayaran ang 5 percent Franchise Tax due ng kanilang gross gaming receipts para sa  taxable year 2019  na may halagang 114 milyon kasama na ang incremental penalties.

Sa ilalim ng PD No. 1869 sa pamamagitan ng  Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 102-2017, ang lahat ng  gross gaming revenue OR (official receipt) earnings mula sa  gaming operations ng mga  franchise holders  ay dapat ipagbayad ng franchise tax na  5 percent na iba pa sa iba pang binabayarang buwis  sa operasyon nito.

Ang hakbang ay ginawa nang sumambulat sa publiko na bilyong halaga ng buwis ang utang sa pamahalaan ng mga Pogo operations sa bansa.

Binalaan ni BIR Commissioner Commissioner Caesar R. Dulay, ang mga negos­yante laluna ang mga POGO operators na  papatawan ng kaukulang multa at parusa ang mga ito oras na mapatunayang ‘di nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

vuukle comment

BIR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with