^

Metro

4 na shoplifter na Vietnamese, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 na shoplifter na Vietnamese, kalaboso
Kinilala ang mga inares­tong dayuhan na sina Doan Sy Trong, lalaki, 37; Dao Thi Thuy Trang, babae, 39; Le Thi Ngoc Lan, babae, 37; at Nguyen Thanh Tung, lalaki, 21.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang apat na turistang Vietnamese na kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki makaraang mahuli ng mga security guard ng isang high-end department store na tumangay ng mamahaling mga damit ng hindi nagbabayad, kamakalawa ng gabi sa isang mall sa Makati City.

Kinilala ang mga inares­tong dayuhan na sina Doan Sy Trong, lalaki, 37; Dao Thi Thuy Trang, babae, 39; Le Thi Ngoc Lan, babae, 37; at Nguyen Thanh Tung, lalaki, 21.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-9 ng gabi nang pumasok sa loob ng department store sa may Ayala Center sa Brgy. San Lorenzo, ang dalawa sa mga suspek at saka naghiwalay. Nang lumabas, wala namang binili ang mga suspek ngunit may bitbit silang isang bag.

Sa labas ng department store, inilipat ng mga suspek ang kanilang mga ninakaw na damit sa isang luggage bag.  Ngunit dahil sa kahina-hinalang kilos, sinundan sila ng security guard at naaktuhan ang kanilang ginagawa dahilan para ipatupad ang pag-aresto sa kanila.

Nabatid sa imbestigasyon na pinalibutan ng mga suspek ng aluminun foil ang bag na pinaglagyan nila ng mga ninakaw na mga damit para hindi tumunog ang alarma sa labasan ng department store.  Umabot sa P185,697 ang halaga ng mga damit na narekober sa mga suspek.

Nakaditine ngayon sa Makati City Police Custodial Cell ang mga suspek na nahaharap sa kasong Theft sa Makati City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

DOAN SY TRONG

NGUYEN THANH TUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with