^

Metro

Drug lord posibleng nasa likod ng ambush-slay sa BuCor official-Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug lord posibleng nasa likod ng ambush-slay sa BuCor official-Bato
“Based on my experience ‘yung mga nagpapatay sa mga tao natin diyan sa BuCor, ‘yan rin ‘yung mga nakakulong na drug lords diyan na kumbaga hindi nasunod ‘yung kanilang kagustuhan”, ayon kay dela Rosa sa ambush interview sa pagdalo nito sa ika-29 anibersaryo ng PNP Maritime Group sa Camp Crame kahapon.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines – Drug lord umano ang posibleng nasa likod ng pamamaslang sa legal chief ng Bureau of Corrections (BuCor) na tinambangan ng riding-in-tandem kamakalawa  ng hapon sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City .

 Ito ang teorya na inihayag kahapon ni Senador Ronald “Bato’ dela Rosa nang hingan ng komento sa ambush slay  sa nasuspindeng  BuCor legal chief  Atty. Fredrick Anthony Santos.

 “Based on my experience ‘yung mga nagpapatay sa mga tao natin diyan sa BuCor, ‘yan rin ‘yung mga nakakulong na drug lords diyan na kumbaga hindi nasunod ‘yung kanilang kagustuhan”, ayon kay dela Rosa sa ambush interview sa pagdalo nito sa ika-29 anibersaryo ng PNP Maritime Group sa Camp Crame kahapon.

 “They have the money, they can buy your life anytime kaya nga kaysa pabayaan natin ‘yang mga drug lord na ‘yan sa loob ng bilibid na magpatuloy sa kanilang kalokohan dapat bitayin na ‘yan”, ayon kay dela Rosa.

Magugunita na si Santos ay tumestigo sa pagdinig ng Senado sa katiwalian sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa National Bilibid Prison (NBP) .

Sinabi ni dela Rosa na naawa siya kay Santos na dati niyang tao sa BuCor na nagka-problema na nga, nasuspindes, nasira ang buhay at career ay pinatay pa.

Dahil dito , muli ring isinulong ni dela Rosa na buhayin muli ang death penalty bill.

 “It’s just so unfortunate na hindi pa gumagalaw ‘yung death penalty bill. Pina-follow-up ko ‘yan sa concerned committee pero apparently no actions are being done para i-tackle na ‘yan at least man lang sa commitee level but gusto ko talaga maibalik ‘yung death penalty”, punto pa ng Senador na dating hepe ng BuCor. 

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima.

Magugunita na si Santos ay pinagbabaril sa harapan ng Southernside Montessori School, Katihan Street, Variety Store, Brgy. Poblacion ng lungsod ng Muntinlupa kamakalawa dakong ala-1:50 ng hapon.

Nabatid na ang biktima ay dead on the spot sa tinamong tama ng bala sa kanyang ulo.

 

vuukle comment

DRUG LORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with