^

Metro

5 kilo ng marijuana nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa limang kilo ng marijuana ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Northern Police District at Quezon City Police District sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod ng Quezon na nagresulta sa pagkakadakip sa isang ‘tulak’, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakote na si John Carlo Niedo, 22, ng Ilocos Norte St., Bagong Bantay, Quezon City.

Sa ulat ng NPD, nag-ugat ang operasyon sa nauna nilang nadakip na ‘tulak’  noong Pebrero 16 sa Brgy. 139 Bagong Barrio, Caloocan City kung saan nasa 1.5 kilo ng marijuana ang nakumpiska.  Nang isailalim sa interogasyon ang suspek, inginuso niya ang isa pang kapwa ‘tulak’ na nag-ooperate naman sa Quezon City.

Dito na nakipagkoordinasyon ang NPD-Drug Enforcement Unit sa Masambong Police Station ng QCPD at nagkasa ng buy-bust operation.  Isinagawa ito dakong alas-7:30 ng gabi sa may Abra, Congressional Avenue malapit sa Muñoz Market, Brgy. Ramon Magsaysay, Bagong Bantay.

Isang poseur buyer ang nagawang makabili ng marijuana sa suspek na hindi na nakapalag nang palibutan siya ng mga nakasibilyang pulis at ipatupad ang pag-aresto. 

Nakumpiska sa kanya ang limang bricks ng pinatuyong marijuana na may katumbas na halagang P600,000; isang malaking sako, cellular phone na gamit sa pakikipagtransaksyon at ang P1,000 marked money na inihalo sa 12 pirasong boodle money na gamit sa buy-bust.  

 

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with