^

Metro

Ginang, timbog sa P1.3 milyon shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ginang, timbog sa P1.3 milyon shabu
Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang suspek na si Noraisa Kadil, 26, na nakatira sa Agham Road, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Timbog sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang ginang na nakumpiskahan ng P1.3 milyong halaga ng droga sa isinagawang buy- bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang suspek na si Noraisa Kadil, 26, na nakatira sa Agham Road, Quezon City.

Ayon sa report, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operaton ang mga ahente ng PDEA laban sa suspek makaraang makakuha ng impormasyon na nagtutulak ito ng droga sa kanilang lugar.

Isang ahente ng PDEA ang nagkunwaring bibili ng halagang 10,000 na shabu sa suspek at habang inaabot ang isang plastic transparent sachet ay agad itong  pinosasan.

Nakuha pa kay Kadil ang 200 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P1.3 milyon, cellphone na ginagamit sa kanyang transaksiyon, isang identification card at mark money.

vuukle comment

AARON AQUINO

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with