Task force binuo ni Mayor Belmonte vs road obstruction
MANILA, Philippines — Muli na namang lilinisin ng Quezon City hall operatives ang mga obstruction sa mga lansangan sa lungsod.
Ito ay makaraang buuin ni QC Mayor Joy Belmonte ang ikalawang round ng road-clearing operations na mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Nilagdaan ni Mayor Belmonte ang Executive Order No. 9 Series of 2020 na lumilikha sa Quezon City Task Force Road Clearing 2.0 para walisin ang mga sabagal sa mga kalsada sa lungsod.
“Ipagpapatuloy lang ang nasimulan nating road clearing operations noong nakaraang taon upang matiyak na ito’y tuluy-tuloy at matututukan nang husto,” sabi ni Belmonte.
Kaugnay nito, nanawagan si Belmonte sa mga taga- QC na makipagtuluingan sa lokal na pamahalaan hinggil sa kampanya na matanggap ang ibat-ibang uri ng obstructions sa mga lansangan .
“Nananawagan tayo sa mga residente na i-report sa atin ang mga abusadong enforcer. Kunan ninyo ng larawan o video at ipadala at i-tag ang official Facebook account ng siyudad na fb.com/qcgov o maaaring itawag sa Hotline 122,” dagdag ni Belmonte.
Ang task force ay pamumunuan ni Belmonte kasama ang chief of staff at assistant city administrator for operations bilang vice chairpersons.
- Latest