^

Metro

SUV nanuwag ng 11 katao sa harap ng Baclaran Church

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 11 katao  na ang ilan ay katatapos lamang magsimba ang nasugatan  makaraang suwagin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa harap ng simbahan ng Bac­laran sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Pawang isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktima na nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang tsuper ng itim na Toyota Fortuner na si  Allan Respecia, ng  DF Yuseco St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Parañaque City Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-9:40 ng gabi sa harapan ng Gate 2 ng Baclaran Church sa Redemptorist Road, Barangay Baclaran ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Major Jolly Soriano, kalalabas lamang ng simbahan ang ilan sa mga biktima habang nagtitinda naman sa gilid ng simbahan ang iba nang bigla silang suwagin ng nabanggit na SUV na minamaneho ni Respecia. 

Bukod sa mga taong nabangga, inararo rin ng SUV ang mga nakaparadang sasakyan kabilang ang apat na motorsiklo, isang e-bike at tatlong kariton ng mga vendors na nagtitinda sa lugar kahit na mahigpit na ipinagbabawal.

Iginiit ni Respecia na nawalan umano siya ng kontrol sa preno ng sasakyan kaya nabundol ang mga biktima.  Hinala ng mga pulis, maaaring silinyador o gas pedal ng kotse ang kaniyang natapakan sa halip na ang preno kaya humarurot ang sasakyan.

Nahaharap naman ngayon sa kasong Multiple Physical Injuries at Damage to Properties ang suspek sa Para­ñaque City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

BACLARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with