^

Metro

Higit 5 kilo ng marijuana nasamsam sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 5 kilo ng marijuana nasamsam sa buy-bust
Nakatakdang isai-lalim sa inquest proceedings ang suspek na si Norvy Jesalva, at residente ng New Antipolo St., Tondo, May­nila sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs and selling of illegal drugs.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Mahigit 5 kilo ng marijuana ang nakum-piska sa isang 28-anyos na lalaki sa isina­gawang  buy-bust ope­ration na ikinasa ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7, sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakatakdang isai-lalim sa inquest proceedings ang suspek na si Norvy Jesalva, at residente ng New Antipolo St., Tondo, May­nila sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs and selling of illegal drugs.

Sa ulat ni P/Corporal Reyna Joy M Ofalsa, dakong ala-1:20 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Norvy sa tapat ng bahay nito na sakop ng Barangay 217 ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng MPD-Station 7 sa pamumuno ni P/Capt. Manuel S. Calleja.

Narekober mula sa suspek ang isang malaking bloke na oblong shape marijuana; 7 plastic ng yelo na naglalaman ng marijuana ang bawat isa; 26 na medium heat sealed plastic sachets ng marijuana; 273 piraso ng small heat sealed plastic sachets  ng marijuana; isang timbangan; at isang P500 bill marked mo-ney.Tinatayang nasa P200,000 hanggang P250,000 ang halaga ng nakumpiskang marijuana.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with