^

Metro

Bodegero itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 41-anyos na warehouseman nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem ha­bang abala sa panonood ng basketball, sa Paco, Maynila, kamakalwa ng  hapon.

Kinilala ang bikti­mang si Paul Bryan Caruro, 41, residente ng Pas St., Paco.

Sa ulat ni P/Staff Mas-ter Sergeant Bernardo Ca­yab­yab, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas- 6:00 ng hapon, sa basketball court, sa Zulueta St., malapit sa panulukan ng Paz St., Paco, Maynila, sakop ng Barangay 677, Zone 74.

Nakatayo at nanono­od ng larong basketball ang biktima nang duma-ting ang riding-in-tandem kung saan sinamantala ng backrider ang pagi-ging abala ng biktima sa panonood ng basketball na dito pinaputukan siya sa likod ng ulo ng suspect.

Mabilis na bumalik sa motorsiklo ang gunman at pinaharurot ng kanyang kasamang driver ang motorsiklo sa northbound direction  ng Zulueta St.

Inaalam pa ang mo­tibo sa krimen.

vuukle comment

WAREHOUSEMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with