^

Metro

‘Red Team’ ni Sinas, todo tutok sa pala-absent na pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Red Team� ni Sinas, todo tutok sa pala-absent na pulis

MANILA, Philippines — Mas mahigpit na pagbabantay ngayon ang ginagawa ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) laban sa mga pala-absent na mga pulis.

Ito ay makaraang hirangin ni NCRPO Director M/Gen Debold Sinas ang RIAS bilang kanyang “Red Team” na kahit noong nasa Police Regional Office 7 pa lamang siya ay siyang tagapagbantay na niya laban sa mga tiwaling mga pulis.

Sa datos ng RIAS, sa huling quarter ng 2019 nakapagtala sila ng 1,139 absences ng mga pulis at iba pang paglabag sa isinasagawang mga inspeksyon.  Pinagpaliwanag ang mga pulis na naitala habang ang iba ay isinailalim sa ‘pre-charge evaluation’ at itinalaga sa ibang regional office.

Nitong nakaraang Enero, nakapagtala na ang RIAS ng 48 mga absences at 163 pang mga paglabag na may katumbas na mga parusa.

Bukod dito, mahigpit ding nagbabantay ang Red Team sa “Tamang Bihis” ng mga pulis, pagbabawal na pumasok sa mga beerhouse, pangongotong at maging ang mahigpit na kautusan na pagbabawal maglaro ng golf.

Naitatag ang PNP-IAS sa pamamagitan ng Republic Act 8551 oa ng PNP Reform and Reorganization Act of 1998 upang maging “watchdog” o tagapagbantay sa mga iskalawag na mga pulis.

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with