^

Metro

Bisikleta sinalpok ng armored van: 5-anyos patay, kuya sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bisikleta sinalpok ng armored van: 5-anyos patay, kuya sugatan
Naka-angkas sa harapang bahagi si Jay-C nang mabundol ng armored van na may plakang WJA 987 ang kaliwang bahagi ng bisikleta kung saan pumailalim pa sa van si Jay-C at nakaladkad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 5-anyos na paslit habang sugatan naman ang kuya nito makaraang mabundol sila ng isang armored van habang ang magkapatid ay papasok sa eskuwela sakay ng bisikleta sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Sa naantalang ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas-12:45 ng hapon sa intersection ng Juan Luna at Capulong Sts., sa Tondo.

Kinabukasan, ipinabatid ng ama na si Antonio R. Calderon Jr., kay P/Staff Sgt. John Mark Estrada, ng MDTEU, na  ang idineklarang patay  na  Emergency Room Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang 5-taong gulang na si Jay-C Calderon dakong alas 10:00 ng gabi .

Nagtamo naman ng sugat at galos ang nagmaneho ng bisikleta na si C-Jay Calderon. 12-anyos.

Naka-angkas sa harapang bahagi si Jay-C   nang mabundol ng armored van na may plakang WJA 987 ang kaliwang bahagi ng bisikleta kung saan pumailalim pa sa van si Jay-C  at nakaladkad.

 Naisugod naman sa nasabing pagamutan ang magkapatid subalit hindi na nakaligtas sa kamatayan ang nakababatang Calderon.

Nakapiit sa MDTEU detention facility ang driver ng van na si Simplicio calma Jr., na posibleng maharap sa reckless imprudence resulting in homicide, slight physical inj­uries at damaged to properties.

vuukle comment

ARMORED VAN

BISIKLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with