^

Metro

Road rage: Tsuper ng mga Koreano binaril, sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang driver ng isang van na may pasaherong mga turistang Korea­no nang hampasin at barilin ng isang galit na lalaki na sakay ng isang pulang kotse na hinihinalang dahil sa gitgitan sa kalsada, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nasa ligtas nang kalagayan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Resty Cervantes Jr., 24, makaraang madaplisan ng bala sa kanyang leeg habang sabog ang kanyang nguso. Ligtas naman ang kalagayan ng dalawa niyang pasaherong Koreano na hindi na binanggit ang mga pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Pasay City Police, lulan ang mga biktima ng isang Hyundai Starex van galing sa Okada Casino at patungo ng Mandaluyong City.  Binabagtas ng sasakyan ang northbound lane ng flyover ng EDSA-Roxas Boulevard sa Brgy. 76, nang humarang ang isang pulang kotse sa kanilang daanan at paputukan ang bahagi ng tsuper gamit ang isang M16 armalite rifle.

Napahinto sa pagma­maneho si Cervantes nang madaplisan ng bala saka siya pinuntahan ng suspek na pinagbabasag ang salamin ng van at pinukpok siya sa mukha gamit ang naturang armas.

Agad na tumakas ang salarin lulan ng kotse habang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 4 na naabutan ang duguang biktima habang ligtas naman ang pasaherong  turista.

May hinala ang pulisya na maaaring ‘road rage’ ang dahilan ng pamamaril sa posibleng gitgitan. Patuloy pa rin itong bineberipika ng pulisya sa kanilang imbestigasyon.

vuukle comment

ROAD RAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with