^

Metro

Spa at massage parlor sa Quezon City na may extra service, binalaan ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Spa at massage parlor sa Quezon City na may extra service, binalaan ni Mayor Joy
Mayor Joy Belmonte

QUEZON CITY, Philippines — Binalaan ni Quezon City  Mayor Joy Belmon­te ang alinmang spa at massage parlor owners na mahaharap sa kaparusahan sa  oras na mapatunayang ang kanilang establisimiyento ay nag-aalok ng extra service.

Ito ay ginawa ni Belmonte bilang bahagi ng kampanya laban sa  human trafficking, sexual exploitation at pagkalat ng sexually transmitted diseases tulad ng HIV.

Isa ang QC sa may mataas na kaso ng HIV kaya’t patuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagdami ng sakit. Patuloy namang kinakanlong ng lungsod ang mga may sakit na HIV hindi lamang taga-QC pati mula sa ibang lugar.

“Iniutos ko ang pina­igting na kampanya la-ban sa mga spa na nag-aalok ng extra service sa ating lungsod upang matuldukan na ang ganitong kalakaran,”  pahayag ni Belmonte.

Una nang nakahuli ang composite team  ng QC  Hall at QC police ng tatlong massage therapist ng Epitome Z Spa sa Brgy. West Kamias  na nag-aalok ng  “extra service”  sa mga bakla.

Ang spa ay sinalakay  nang makatanggap ng tawag ang PNP Hotline  hinggil sa modus ng naturang spa.

Nagkunwaring kliyen­te ng spa ang isang pulis at dito nahuli ang 14 katao kabilang ang naturang mga therapist na walang working permit. Ang naturang spa ay wala ring business permit mula sa QC  hall.

Sinasabing ang 2 nahuling the­rapists nang suriin ay positibo sa  hepatitis B at syphilis at ang ikatlong therapist ay kinukumpirma kung may HIV.

vuukle comment

MAYOR JOY BELMON­TE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with