^

Metro

Warehouse sa Pandacan nasunog, bahagi ng Skyway Stage 3, bumagsak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Warehouse sa Pandacan nasunog, bahagi ng Skyway Stage 3, bumagsak
Ayon sa Manila Fire Department, umakyat sa Task Force Bravo ang sunog dakong alas-11:05 na nagsimula dakong alas-10:36 ng umaga at idineklarang fire-out alas 2:57 ng hapon sa warehouse na nasa Tomas Claudio St., Pandacan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang isang warehouse  na pagawaan ng plastic palettes kung saan bumagsak ang bahagi ng ginagawang  Skyway Stage 3, sa Pandacan, Maynila kahapon.

Ayon sa Manila Fire Department, umakyat sa Task Force Bravo ang sunog dakong alas-11:05 na nagsimula dakong alas-10:36 ng umaga at idineklarang fire-out alas 2:57 ng hapon sa warehouse na nasa Tomas Claudio St., Pandacan.

Naapektuhan ng sunog ang ginagawang Skyway Stage 3 na dahil sa matin­ding init at apoy ay bumagsak at nasira.

Bunga rin ng makapal na usok mula sa nasabing sunog ay hindi rin nakapag-operate ang magkakasunod na San Andres, Paco at Pandacan stations ng Philippine National Railways (PNR).

Nagdulot naman ng matin­ding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang sunog at pagbagsak ng Skyway kaya’t pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na iwasan muna ang naturang lugar.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan habang inaalam ang sanhi at halaga ng napinsala.

vuukle comment

MANILA FIRE DEPARTMENT

TASK FORCE BRAVO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with