^

Metro

‘Sex den’ sa Makati ni-raid: 3 Chinese arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ipag-utos ng pamunuan ng PNP angmalawakang crackdown sa mga Chinese sex den, isa na namang establisimiyento na ginagamit sa prostitusyon ang sinalakay sa Makati City police na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong Chinese nationals.

Kinilala ni Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon ang mga naaresto na sina Kevin Sy, 25 ; Xiao Lao, 23, kapwa maintaner umano ng sex den at ang kustomer na si Tong Po, 25.

Nasa 13 babae ang nasagip sa pagsalakay kabilang ang siyam na Chinese nationals, dalawang Russian at dalawang Vietnamese.  Limang empleyadong Pilipino rin ang inimbitahan ng pulisya para sa imbestigasyon.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nakumpirma ang ilegal na operasyon sa Golden Dragon Spa na nasa K&K Building sa may Evangelista Street, Brgy. Pio del Pilar, ng naturang lungsod, nang isang police asset ang magpanggap na kostumer at magbayad ng P22,000 sa mga maintainer ng hotel para sa sex service sa mga dayuhang babae.

Alas-10:35 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section ang naturang establisimiyento.  Tumambad sa kanila ang mga babaeng dayuhan sa mga kuwarto, condoms at mga sex toys.

Nahaharap ngayon ang tatlong naaresto sa kasong Human Trafficking habang inaalam ng pulisya kung may kaukulang business permit ang establisimiyento para tuluyan itong maipasara.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with