^

Metro

Taxi driver na holdaper, utas sa pasaherong parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Taxi driver na holdaper, utas sa pasaherong parak
Naghinala si Carpio nang sa halip na dumaan sa kalsada patungo sa kanyang destinasyon ay biglang nag-u-turn ang driver at binagtas ang ma­dilim na bahagi ng C-5 Extension Road. Dito naging alerto ang pulis at inihanda ang kanyang 9mm service firearm.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagkamali ng bibiktimahin ang isang holdaper na taxi driver makaraang mapaslang siya ng pasaherong pulis na kaniyang tinangkang holdapin, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Elmer Tubil, ng Quezon City.  Ligtas naman ang kanyang biniktima na si P/Sgt Ronald Carpio, nakatalaga sa Follow-Up Unit ng Parañaque City Police.

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw  nang parahin ni Carpio ang taxi na minamaneho ni Tubil sa isang gasolinahan sa may Pres. Diosdado Macapagal Blvd. at nagpahatid sa isang condominium buil-ding sa may Dr. A. Santos sa naturang lungsod.

Naghinala si Carpio nang sa halip na dumaan sa kalsada patungo sa kanyang destinasyon ay biglang nag-u-turn ang driver at binagtas ang ma­dilim na bahagi ng C-5 Extension Road. Dito naging alerto ang pulis at inihanda ang kanyang 9mm service firearm.

Tulad ng kanyang hinala, nagdeklara ang suspek ng holdap at tinutukan siya ng isang rebolber na baril.  Mas naging mabilis naman si Carpio nang maunahan niyang mapaputukan ang suspek bilang depensa umano sa kanyang sarili.  Agad niya itong iniulat sa kanyang istasyon.

Ayon kay Police Col. Robin Sarmiento ng Parañaque Police, may record na sa kanilang istasyon ang plaka ng taxi dahil sa mga reklamo ng mga dating pasahero nito na naholdap din ng tsuper. Kahina-hinala rin na iba ang kulay ng loob at labas ng taxi.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang narekober bukod pa sa ginamit na baril.  Nadiskubre rin sa cellular phone ng suspek na may katransaksyon siya na bumibili ng iligal na droga.

vuukle comment

HOLDAP

TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with