^

Metro

Crackdown vs sex dens sa POGOs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Crackdown vs sex dens sa POGOs
Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na iimbestigahan ng pamahalaan ang napaulat na talamak na pamamayagpag ng Chinese prostitution dens sa mga POGO.
Vallery Hache/AFP

Inilunsad ng PNP

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na kahapon ni Philippine National  Police (PNP) Chief  General Archie Gamboa ang malawakang crackdown laban sa prostitusyon ng mga kababaihang Chinese sa pagsusulputan ng kontrobersyal na  Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

 Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, partikular na binigyan ng direktiba ni Gamboa ay ang tanggapan ni Women and Children Protection Center (WCPC) sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Alessandro Abella.

 Una rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na iimbestigahan ng pamahalaan  ang napaulat na talamak na pamamayagpag ng Chinese prostitution dens sa mga POGO.

Nitong huling bahagi ng 2019 ay nakapaglunsad ang PNP-ACG ng mga raid  sa POGOs na nagresulta sa pagkakasagip sa 140 kababaihang biktima habang nasa 455 namang suspect ang nasakote.

Samantalang maging ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay naglunsad din ng mga operasyon laban sa mga prostitution dens sa Metro Manila.

Magugunita na una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihigpit sa mga POGOs upang mabawasan ang korapsyon, extortion at kidnapping na may kinalaman sa operasyon ng online gaming.

Sa tala, nasa 60 POGOs ang nag-o-operate sa bansa base sa data ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

vuukle comment

POGOS

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with