^

Metro

Hepe ng QCPD binalaan vs illegal gambling

Pilipino Star Ngayon
Hepe ng QCPD binalaan vs illegal gambling
Sa panayam sa isang radio program nitong Biyernes, sinabi ni Gamboa na kanyang kakausapin si Montejo at bibigyan ito ng deadline upang wakasan ang operasyon ng jue­teng, loteng at bookies sa Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Binigyan ng ultimatum ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa si Quezon City police district director Col. Ronnie Montejo ng ultimatum upang sugpuin ang ilegal na sugal sa siyudad.

Sa panayam sa isang radio program nitong Biyernes, sinabi ni Gamboa na kanyang kakausapin si Montejo at bibigyan ito ng deadline upang wakasan ang operasyon ng jue­teng, loteng at bookies sa Quezon City.

“Shape up or ship out” ang kautusan ng bagong talagang PNP chief ni Pangulong Duterte sa hepe ng QCPD.

“Bibigyan natin ng deadline si District Director Montejo at kapag hindi niya nasugpo ang illegal gambling sa QC ay hahanap tayo ng ibang kayang gawin ‘yun,” babala ni Gamboa sa panayam.

Ayon sa PNP chief, una na niyang binala­an ang mga opisyales ng kapulisan laban sa pagtanggap ng payola mula sa ilegal sa sugal.

“Once na may mahuli akong kumukuha sa illegal gambling eh makakatikim kayo sakin,” banta niya pa sa mga ito.

Sinabi pa ni Gamboa na may plano na siya kung pano susolusyunan ang korapsyon ng mga pulis pagdating sa ilegal na sugal.

Ngunit umapela siya at sinabing kakailanga­nin ng tulong ng pub­liko lalo na ng media sa pagkalap ng impormasyon laban sa mga tiwaling opisyal ng PNP.

Kamakailan ay ina­resto ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang siyam na kubrador ng bookies sa QC.

Ayon sa impormas­yon ng CIDG, ang ilegal na sugal sa lungsod at pinapatakbo ng kinilala nila na alyas “Tepang,” “Kit” at “Jessy Dadeo” na kanila umanong   mga amo.

Ang mga ito diumano at nagbibigay ng payola sa isang opisyal ng PNP sa lungsod.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with