^

Metro

Higit 2,000 vape stores sa Metro Manila naipasara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 2,000 vape stores sa Metro Manila ang naipasara simula nang ipatupad ang implementasyon ng vape ban noong nakalipas na taon, ayon sa opisyal kahapon.

 Sa press briefing sa Quezon City Police District, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Debold Sinas, nasa 2,188 stores na ang kanilang binisita at ipinasara umpisa noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ro­drigo Duterte na ipasara ang mga vape stores at arestuhin ang sinumang indibidwal na gumagamit ng vape cigarettes sa mga pampublikong lugar.

“The operations still continue. We continue monitoring these vape stores,”  pahayag ni Sinas.

Gayunman, ang mga inaaresto sa paggamit ng vape na dinadala sa presinto ay ibina-blotter lamang at saka pinalalaya dahilan walang batas  na nagsasaad na dapat makulong ang mga  naadik sa vape at mga gumagamit nito sa pampublikong lugar.

Noong Nobyembre 2019, kinumpima ng Department of Health (DOH) ang pagkaka-confine ng isang 16-anyos na dalagita sa Cebu City matapos itong gumamit ng e-cigarette sa loob ng anim na buwan kung saan nagkasakit ito ng Vape-Associated Lung Injury (EVALI).

vuukle comment

DEBOLD SINAS

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with