^

Metro

Lola patay sa sunog sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

PASAY,  Philippines — Patay ang isang 79-anyos na lola makaraang maipit sa loob ng nagliliyab na apartment building sa naganap na sunog sa isang residential area sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Corazon Estanislao Gamboa, ng Park Avenue Extension, Brgy. 79 Zone 10, ng naturang lungsod.

Sa ulat naman ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-12:45 ng madaling araw nang unang sumiklab ang apoy sa dalawang palapag na bahay sa  79 Park Avenue at agad na naitaas sa ikatlong alarma dakong ala-1:04 ng madaling araw.

Naging pahirapan ang pag-apula sa apoy at matapos ang higit tatlong oras ay nagdeklara na rin si Pasay City Fire Marshall F/Supt Edgar Tanawan ng ‘fire out’ eksakto alas-3:53 ng madaling araw.

Sa mopping operation, nadiskubre ang bangkay ng lolang si Gamboa sa loob ng kaniyang kuwarto sa tinutulu­yang gusali.  Ayon sa mga residente, halos hindi na umano makalakad ang matanda dahil sa iniinda niyang sugat sa paa.

Natupok ng apoy ang nasa 14 na mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Tinatayang nasa P200,000 ang ari-ariang nasira base sa kalkulasyon ng BFP.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CORAZON ESTANISLAO GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with