^

Metro

4 Chinese na dawit sa kidnap timbog ng NBI

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang apat na  Chinese na sangkot sa kidnap for ransom noong madaling araw ng  Enero 18, 2020.

Kinilala ni NBI Deputy Director at spokesman Ferdinand Lavin ang mga suspek na sina Chen Zhimin, Luo Canfemg, Li Jai Huang at Wang Yiping.

Nag-ugat ang pagkakaaresto ng mga suspek sa reklamo ng isang informant na nagtatrabaho sa offshore gaming na pag-aari ng biktimang si  Mr. Han Yang Liu na dinukot umano ng mga suspek.

Nabatid na dinala at ikulong ng ilang araw si Ham Yang Liu ng mga suspek sa isang hotel sa  General Malvar St, Manila.

Kapalit ng kanyang kalayaan, hiningan ito ng P200,000 na ransom sa pamilya ng biktima kung saan ikinasa ang entrapment ope­ration laban sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkakadakip.

Bukod kay Han Yang Liu, nasagip din ng NBI Environmental Crime Division ang dalawa pang biktima ng kidnapping ng mga suspek na pinagbabantaang papatayin kapag hindi nakapagbigay ng P600,000 na ransom.

 

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with