^

Metro

Obrero, 17, nabagsakan ng ginibang pader, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Obrero, 17, nabagsakan ng ginibang pader, patay
Dead on arrival ang biktimang si Sherwin Apable Y Gaho, residente ng no. 6 Acacia Magsaysay St., Tondo, Maynila, dahil sa matinding pagkabasag ng mukha.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay ang isang 17-anyos na obrero nang mabagsakan ng ginigibang pader sa loob ng isang residential house sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival ang biktimang si Sherwin Apable Y Gaho, residente ng no. 6 Acacia Magsaysay St., Tondo, Maynila, dahil sa matinding pagkabasag ng mukha.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. John Teody Siguen ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:50 ng hapon nitong Biyernes nang maganap ang insidente sa loob ng  525 Unit 3A, Ritzville Residence, Muelle de Binondo St., Binondo.

Sa imbestigasyon, niyaya ng pinsang si Jide Ordas ang biktima na tumulong sa trabaho ng ama sa ginagawang unit sa Ritzville Residence kaya umaga pa lang ay pumasok na ito. Nanghiram pa umano ng malaking martilyo ang biktima sa ama para gibain ang partition side ng kuwarto nang biglang bumagsak ang isang malaking slab na tumama sa ulo niya.

Bumagsak ang biktima na duguan, lumobo ang kaliwang bahagi ng pisngi at nagkaroon ng black eye habang may umaagos na dugo sa ilong at ulo.

Isinugod pa siya sa Justice Jose Abad Santos General Hospital subalit idineklarang dead on arrival dakong alas 5:01 ni Dr. Auerelio Ordas.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with