^

Metro

155 law violators inaresto sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 155 tao na lumabag sa batas at ordinansa ang naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police sa loob ng dalawang araw na pagpapatupad nila ng ‘Enhanced Management Police Operation (EMPO)’ mula Huwebes hanggang nitong Biyernes.

Apat na suspek ang ina­resto sa magkahiwalay na pagpapatupad ng dalawang search warrants na nagresulta sa pagkakakumpiska sa dalawang kalibre .38 baril, mga bala, isang patalim, pitong plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Sa kampanya sa iligal na droga, 13 drug personalities ang nadakip sa limang operasyon.  Nasa 35 plastic sachet ng shabu na may kabuuang halagang P26,000 ang nasabat sa mga operasyon.

Pitong wanted sa batas kabilang ang Top 7 at Top 5 Most Wanted sa lungsod dahil sa kasong Robbery at Attempted Homicide ang nasakote sa implementasyon ng warrant of arrest.

Umabot naman sa 31 tao ang dinampot dahil sa iligal na sugal habang 97 ang lumagapak sa presinto dahil sa paglabag sa mga ordinansa na nagbabawal na uminom ng alak, umihi at manigarilyo sa mga pampublikong lugar, curfew at mga illegal vendors.

Kabilang rin sa bilang ang tatlo katao na hinihinalang mga operator ng dalawang prostitution den na sinalakay sa may Brgy. Palanan kung saan 19 na babae ang nailigtas.  Nasa 28 “Lady Boy” at tatlong babae naman ang nailigtas sa isang KTV bar na isa rin umanong prostitution den sa P. Burgos Street, Makati.
Sinabi ni Makati City Police chief PCol Rogelio Simon na bumaba na nang 56 porsyento ang antas ng krimen sa lunsod.  Isinasagawa ng regular ang EMPO upang matanggal ang mga kriminal sa mga kalsada at maging ligtas ang publiko.

vuukle comment

ENHANCED MANAGEMENT POLICE OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with