^

Metro

Motor sumalpok sa poste, tinedyer patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay ang isang binatil­yo habang kritikal naman ang isa niyang kaangkas nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang poste ng kuryente kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Raizaldy De Paz Macias, 17-anyos, habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang angkas na si John Joseph Foser, 16-anyos, kapwa nakatira sa 15th/16th Villamor Air Base, ng naturang lungsod.  Parehong walang suot na helmet ang dalawang biktima.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa may Leveriza Street sa Brgy. 22, ng naturang lungsod.

Ayon sa mga residente ng lugar, nakita nilang pabalik-balik ang motorsiklo hanggang sa makita nilang humaharurot na tila may tinatakasan.  Hindi napansin ng nagmamaneho ang humps sa kalsada dahilan para mawalan sila ng kontrol at diretsong sumalpok sa poste ng kuryente.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with