^

Metro

19 nasagip sa sex den sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang dalawang sex den kung saan nasa 19 na Pinay sex workers ang nasagip, kamakalawa ng gabi.

Ikinasa ang operasyon makaraang makatanggap ang Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng impormasyon na dinarayo ang dalawang sex den ng mga parokyano na nais kumuha ng serbisyo ng mga babae.

Unang sinalakay ng pulisya ang mistulang isang ordinaryong bahay lamang sa may kanto ng Bautista at Casino Street sa may Brgy. Palanan dakong alas-10:50 ng gabi.  Pagpasok ng mga pulis, tumambad ang isang reception area na may mga mahahabang sofa na siyang lugar kung saan naghihintay ang mga parokyano.

Ilang kuwarto rin ang nadiskubre na nagsisilbing viewing area at tulugan ng mga babae.  Nasa 12 kababaihan ang nailigtas sa naturang pagsalakay habang nadakip ng mga pulis ang hinihinalang operator ng lugar na si Serges Borlas, 50, makaraang siya ang tumanggap ng P3,000 marked money sa isang pulis na nagpanggap na kostumer.

Itinanggi ni Borlas na may kinalaman siya sa operasyon ng sex den at sinabing utusan lamang siya ng mga babae kapag may mga ipabibiling mga pagkain. 

Sunod na sinalakay ng mga pulis ang isa pang establisimento sa may Emilia Street kanto ng Araro Street sa parehong barangay dakong alas-11:30 ng gabi.  Tulad ng naunang sex den, pareho rin ang set-up sa loob nito.

Dito nadakip ang mga suspek na sina Junyen Barrios, 42 at Gella Winston, 47 habang pitong babae naman ang nailigtas ng mga pulis. 

Nahaharap ngayon ang mga supsek sa kasong paglabag sa RA 9208 o ang Anti-Trafficking in Person Act of 2003 sa Makati City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with