^

Metro

NCRPO cops magdo-donate ng tig P-100 sa Taal evacuees

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isandaang piso kada pulis  ang ido-donasyon ng mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang makalikom ng P3.5 milyong piso  para sa mga evacuees na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Taal volcano.

“We encourage our people to donate P100 each, this is voluntary“, ani Sinas bilang paraan ng pagdamay  sa mga Batagueño  na grabeng naapektuhan ng kalamidad.

Sinabi ni Sinas na ang idodonasyon ng ‘mga pulis ng NCRPO  ay magmumula sa kanilang P 3,000 monthly combat pay na nagkakahalaga ng P100 kada araw.

Ayon kay Sinas ang mga may ranggong Colonel pataas ay idodonasyon naman ang kanilang buong combat pay.

Inihayag nito na ang P10 bawat isang pulis na ipinado-donasyon ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ay hindi sapat.

Una nang hinimok ni Gamboa ang bawat isang pulis  na magdonasyon ng P10 sa mga biktima ng phreatic explosion ng Taal volcano at ang mga opisyal ay dapat na mas mataas.

Samantalang ang mga pulis na apektado ng kalamidad, ayon pa kay Sinas ay hindi kasama sa magdo-donasyon.

Nabatid sa NCRPO Director na aabot sa 514 personnels ng kanilang tanggapan ang apektado sa pagsabog  ng Taal volcano. Sa nasabing bilang nasa 97 pulis ang grabeng naapektuhan ng kalamidad.

Sa panig naman ni QCPD Director Brig. Gen Ronnie Montejo ay idodonasyon naman nila ang kanilang mga allowance mula sa local government unit na tig-P50 maliban pa sa P100 mula sa combat pay.

“Nais nating iparating ang ating pakikiramay sa ating mga kababayang naapektuhan sa Taal volcano”, anang opisyal.

 

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with