^

Metro

Selebrasyon ng Chinese New Year, pangungunahan ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa lungsod  sa January 26 kasama ang China Ambassador to the Philippines  na si Huang Xilian bilang guest of honor sa okasyon.

Ang okasyon na host ang QC government ay dadaluhan din ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. President Henry Lim Bon Liong;  QC Association of Filipino Chinese Businessmen Inc. President Joseph Lim Bon Huan at QC  Chinatown Development Foundation Chairman Charles Len.

Sa press launch kahapon  ng okasyon sa QC, sinabi ni   Liong na nakikiisa ang samahan sa pagsalubong  sa Year of the Metal Rat sa pangu­nguna ni Mayor Belmonte.

Anya ang okasyong ito ay magbubunsod sa pagsigla ng turismo sa lungsod at pagyaman ng kultura laluna ngayong maganda ang ugnayan ng Pilipinas at China. Noong nagdaang taon anya ay may 1.5 milyong turistang Tsino ang nagpunta sa Pilipinas.

Anya dahil sa sipag at dedikasyon ni Belmonte sa tungkulin ay nakikita niyang hindi lamang magiging  sentro ng negosyo ang QC, edukasyon at IT kundi magiging tanyag bilang entertainment capital ng Pilipinas at fast growing tourist destination sa bansa.

Bukod sa pagtulong sa mga sinalanta ng Bulkang Taal sa Batangas, ang FCCCII ay nagkaloob na rin ng mahigit 5,800 public school buildings o may 11,600 classroom nationwide at lingguhang medical dental mission at pagsuporta sa Filipino Chinese volunteer fire brigades nationwide.

Isasagawa ang pagdiriwang sa QC China town sa Banawe na isa sa tourism district sa QC  na kilala bilang isang world class hub para sa Chinese community.

vuukle comment

CHINESE NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with