^

Metro

Kalidad ng hangin sa Metro Manila, bumubuti na -- DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kalidad ng hangin sa Metro Manila, bumubuti na -- DENR
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources batay sa latest data, ang level of Particulate Matter 10 (PM 10) o kilala sa tawag na alika­bok ay pawang good ang resulta sa mga lokalidad sa Kalakhang Maynila.
twitter.com/DENROfficial

MANILA, Philippines — Gumaganda na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila makaraang maapektuhan ng matinding ashfall  mula sa pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) batay sa latest data, ang level of Particulate Matter 10 (PM 10) o kilala sa tawag na alika­bok ay pawang good ang resulta sa mga lokalidad sa Kalakhang Maynila.

Sa air quality monitoring ng DENR sa ibang lugar sa Metro Manila, lumabas sa data na sa San Juan  ay 46: good, Makati City 35:good, Mandaluyong City-34: good,  Pateros-22: good, Malabon City 22:good, Las Piñas 14:good, Parañaque City - 6:good at Pasig City-6: good.

Lumabas naman ang level of Particulate Matter 10 (PM 10) sa Taguig City  ay nananatiling  89 na kinokonse-derang  “moderate o fair.”

Ayon sa DENR , mas maganda ang resulta ng kalidad ng hangin sa nabanggit na lokalidad kung ikukumpara noong Lunes ng gabi.

Inihalimbawa rito ng DENR na noong Lunes ng gabi, ang Malabon City ay nagtala ng PM 10 record na  53 ng  Malabon City.

Batay sa air quality index  na gamit ng DENR ang pagkakaroon ng “good” record ng kalidad ng hangin ay nangangahulugan na ang polusyon sa hangin ay may maliit hanggang sa walang ganoong epekto, ang “mode-rate o fair” rating naman ay may katamtamang health risk para sa maliit na grupo ng mga tao na dati ng sensitive sa hangin na may polusyon.

Samantalang ang air quality  na umabot sa  301 hanggang 500 ay  isinasalarawang  “hazardous”  at ang mga tao ay pinapayuhang manatili na lamang sa kanilang tahanan.

Noong nagdaang araw ng linggo nang pumutok ang Taal Volcano, umabot ang ashfall sa MMLA dala ng hangin  na nagdulot ng pagsuspinde ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan.

vuukle comment

ASHFALL

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with