^

Metro

12 medical stores kinasuhan ng DTI

Rudy Andal, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
12 medical stores kinasuhan ng DTI
Sinabi ni DTI Undersec­retary Ruth Castelo sa media briefing sa Malacañang na nakapag-isyu na sila ng notice of violation sa 12 sa labing pitong mga medical supply stores na naikutan nila kahapon sa area ng Bambang sa Maynila.
The STAR/Edd Gumban

Nag-over price sa face mask

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng profitee-ring ang mga medical supply stores na nakitaan ng DTI na nag-over price sa pagbebenta ng face mask.

Sinabi ni DTI Undersec­retary Ruth Castelo sa media briefing sa Malacañang na nakapag-isyu na sila ng notice of violation sa 12 sa labing pitong mga medical supply stores na naikutan nila kahapon sa area ng Bambang sa Maynila.

“So lumalabas na lima lamang sa labing pito ang hindi nila nakitaan nang paglabag na pasok sa kasong profiteering na dito ay maaaring mapatawan ang mga violators ng parusang pagbabayad ng mula P5,000 hanggang P2 milyong piso.

Nang matanong si Usec Eric Domingo ng DOH sa kung magkano ang price range ng face mask sinabi nitong ito ay naglalaro sa P45 hanggang 100 pesos lamang na malayong malayo sa mga unang ulat na pumalo ito ng hanggang 3 daang piso kada isa.

Ang presyong ito ay depende aniya sa brand. 

Matibay aniya ang ebi­densiya nila na higit sa 20 percent ang patong na nakita sa presyo ng face mask sa gitna ng kalamidad

Kasabay nito ay hinika­yat din ng DTI ang publiko na iparating ang anumang sumbong na may kinala­man sa overpricing sa pa­mamagitan ng kanilang hotline 1438.

Pinaalala ng DTI na may ipinatutupad na price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar ng pagsabog habang nag-isyu rin ang Department of Health ng price freeze sa mga produktong medikal tulad ng mga gas at face masks, nebulizer, at iba pang gamot.

Nakipag-ugnayan na rin ang DTI sa mga nangungu­nang manufacturers at retai-lers ng mga medical sup-plies na nangako na hindi gagalawin ang presyo ng kanilang mga produkto partikular na ang N95 masks at agad na magre-restock.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with