^

Metro

Kelot 3 beses pinagtangkaan ang buhay, todas sa ikaapat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kelot 3 beses pinagtangkaan ang buhay, todas sa ikaapat
Sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang krimen dakong ala-1 ng madaling araw sa kahabaan ng Cadena De Amor Street sa Brgy. Wawa. Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima pauwi ng kaniyang bahay nang bigla siyang harangin ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin.
STAR/File

MANILA, Philippines – Hindi na nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki na tatlong beses na umanong pinagtangkaan ang buhay makaraang tuluyang mapaslang kahapon ng madaling araw nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Taguig City.

Kinilala ang nasawi na si Lorvie Gonzaga, 28, binata, ng  Brgy. Wawa, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang krimen dakong ala-1 ng madaling araw sa kahabaan ng Cadena De Amor Street sa Brgy. Wawa.  Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima pauwi ng kaniyang bahay nang bigla siyang harangin ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin.

Pumailanlang ang sunud-sunod na putok ng baril sa lugar at nang puntahan ng mga residente ay tumambad ang wala nang buhay na si Gonzaga habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Kabilang sa mga anggulo na inisyal na iniimbestigahan ng mga pulisya ay ang kaugnayan sa iligal na droga dahil sa kilalang drug user umano ang biktima.  Nasangkot rin umano ito sa love triangle at tatlong beses nang pinagtangkaan ang buhay ngunit nakaligtas sa mga naunang pamamaril sa kaniya. 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with