^

Metro

2 swindler, huli sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang dalawang lalaki na sinasabing notorious swindler na nambiktima ng isang 73-anyos na retiradong guro na kinuhanan nila ng ATM card at ginamit sa pagbili ng mga mamahaling gamit sa loob ng isang mall sa Quezon City kamakalawa.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Ronnie Montejo, ang mga suspek na sina Frederic Ybañez, 48, at Gerr Jan Mana­go, 37, kapwa residente ng Malate, Manila, ay inaresto ng mga tauhan ng Masambong Police Station (PS 2) batay sa reklamo ni Minda Eco, retiradong guro, na residente ng Brgy. Roxas.

Nauna rito,  dakong alas-12:30 ng tanghali kamakalawa nang maganap ang insidente habang nagwi-withdraw ng P5,000 mula sa isang ATM machine ang biktima sa Quezon Avenue, kanto ng Roosevelt Ave., Brgy. Sta. Cruz.

Nagpanggap umanong magwi-withdraw rin sa ATM machine ang mga suspek, at sumunod na pumila sa biktima ngunit habang nagwi-withdraw ang biktima ay palihim na sini­lip at tinandaan ng mga suspek ang pin ng ATM card nito.

Nang matapos na mag-withdraw ang biktima at paalis na sana ay nilapitan ng mga suspek ang biktima at sinabihan na may P1,000 bill pa na naiwan sa ATM machine.

Inalok din umano ng mga suspek ang biktima na tutulungan siyang mag-withdraw at sa pamamagitan ng magagandang salita ay nakumbinsi nila ang mga ito na ibigay sa kanila ang kanyang ATM card.

Lingid sa kaalaman ng biktima, pinalitan na ng mga suspek ang kanyang ATM card kaya’t nang tangkaing mag-withdraw ay na-capture ito ng ATM machine.

Sinabihan umano ng mga suspek ang biktima na kaagad na ireport sa banko ang pagka-capture ng machine sa kanyang ATM card, at saka nagmamadaling umalis ang mga ito at ginamit ang tinangay na ATM card ng biktima at nag-withdraw ng pera sa ibang ATM machine.

Batay sa CCTV recording, ginamit din ng mga suspect ang ATM ng biktima sa pagbili ng dalawang cellphone sa mall.

Nang matuklasan ang panloloko sa kanya, kaagad namang nagsumbong ang biktima sa customer service ng mall, na siya namang umalerto sa mga pulis at nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with