^

Metro

Tapyas-presyo sa petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tapyas-presyo sa petrolyo
Sa unang pagtataya ng mga oil experts, nasa pagitan ng P.30-P40 sentimos kada litro sa diesel at kerosene at posibleng P.10 kada litro sa gasoline ang ibababa.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Taliwas sa pinangangambahang pagtaas sa presyo sa langis dulot ng tensyon sa Middle East, rolbak sa mga produktong petrolyo ang bubungad sa mga motorista ngayong darating na linggo.

Sa unang pagtataya ng mga oil experts, nasa pagitan ng P.30-P40 sentimos kada litro sa diesel at kerosene at posibleng P.10 kada litro sa gasoline ang ibababa.

Ngunit sa anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa P.20 sentimos lamang sa diesel at P.30 sentimos sa kerosene ang iro-rolbak habang walang paggalaw sa gasolina.  Ipatutupad ng Shell ang kanilang rolbak sa Martes dakong alas-6:00 ng umaga.

Sasabay sa Shell ang Petro Gazz na may P.20 sentimos rolbak sa Diesel.

Nauna na kahapon na nagpatupad ng rolbak ang independent player na Cleanfuel Station sa diesel sa halagang P.20 sentimos kada litro.  Ngayong umaga naman magpapatupad ng rolbak ang Seaoil ng P.20 sentimos sa Diesel at P.30 sentimos sa kerosene.

Nabatid na unang sumirit ang presyo ng langis sa internasyunal na merkado sa unang bahagi ng nakalipas na linggo dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos. Ngunit nakatulong ang paghupa ng banta ng digmaan sa muling pagbaba sa presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.

vuukle comment

DIESEL

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with