^

Metro

330 tonelada ng basura naiwan sa Traslacion

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 330 tonelada ng basura na iniwan ng mga deboto at iba pang nakisama sa Traslacion ng Itim na Nazareno ang nahakot partikular na sa mga ruta ng prusisyon.

Sa datos buhat sa Manila Department of Public Services, nasa 68 trak ng basura o katumbas ng 330 tonelada ang nahakot  matapos na kanilang malinis kasama ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang volunteer groups ang mga ruta at iba pang lugar tulad ng Quirino Grandstand pagkaraan ng selebrasyon.

Ito ay sa kabila ng paalala ng lokal na pamahalaan at ibang environmental groups tulad ng EcoWaste Coalition sa mga deboto na iwasan ang pagkakalat.

Sa kabila nito, mas mababa ang naturang bilang sa 387.4 toneladang basura na nahakot noong 2019.

Ito umano ay dahil sa mas mabilis na prusisyon at ang pagpapatupad ng “zero-vendor policy” sa mga rutang daraanan. Tumagal ng 16 na oras ang prusisyon na isa sa pinakamabilis sa mga nakalipas na taon.

Karamihan sa mga basu­rang iniwan ng mga deboto ay mga balot at pabalat ng mga pagkain, mga bote ng tubig na may laman pang mga ihi, mga sapin sa pagtulog, mga diaper, styrofoam at iba pa.

“Ang panawagan para maging responsable sa kalikasan para patunayan ang debosyon sa Itim na Nazareno ay hindi na naman na­rinig. Marami sa mga deboto ay hindi pa naiintindihan ang responsibilidad para sa kalikasan,” ayon kay EcoWaste campaigner Jove Benosa. 

vuukle comment

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with