^

Metro

BuCor chief Bantag absuwelto sa pagkamatay ng 10 preso sa Parañaque City jail

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
BuCor chief Bantag absuwelto sa pagkamatay ng 10 preso sa Parañaque City jail
Sa ibinabang utos ni Acting Presiding Judge Betlee-Ian Barraquias ng Parañaque City RTC Branch 274, sinasabing bigo ang prosekusyon na patunayan ang mga elemento ng krimen.

PARAÑAQUE CITY, Philippines — Inabsuwelto ng Parañaque City Regional Trial Court si Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag kaugnay sa pagkasawi ng10 preso kabilang ang dalawang Chinese national sa naganap na pagsabog sa loob ng kanyang opisina sa Parañaque City Jail noong 2016.

Sa ibinabang utos ni Acting Presiding Judge Betlee-Ian Barraquias ng Parañaque City RTC Branch 274, sinasabing bigo ang prosekusyon na patunayan ang mga elemento ng krimen.

Ikinatwiran ng korte na nagkaroon ng aktuwal na pag-atake kay Bantag nang paputukan siya ng mga inmate at tangkaing hagisan ng granada nang sumabog ito.  Nasugatan si Bantag sa naturang insidente naganap noong Agosto 11, 2016.

Nabatid na nakikipagpulong umano ang mga inmate na karamihan ay may kaso sa ilegal na droga kay Bantag sa kanyang opisina nang maganap ang pagsabog.

Isa sa asawa ng isa sa nasawi ang nag-akusa na isang set-up ang nangyari para paslangin ang mga bilanggo.

Ngunit ayon sa korte, bukod sa mga alegasyon ng mga complainants, wala silang naiprisintang matibay na ebidensya na magdidiin sa mga akusado.

Bukod kay Bantag, kabilang sa napawalang-sala sina SJO2 Ricardo Zulueta at JO2 Victor Erick Pascua na unang kinasuhan ng sampung bilang ng murder pero kalaunan ay ibinaba sa homicide.

Unang napaulat na plano umano ng mga inmates na tumakas at gawing hostage si Bantag na hindi naisakatuparan dahil sa pagsabog ng granada.

vuukle comment

BETLEE-IAN BARRAQUIAS

BUCOR

GERALD BANTAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with