^

Metro

P120 milyong gusaling paglilipatan sa mga Baclaran vendors, itatayo na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P120 milyong gusaling paglilipatan sa mga Baclaran vendors, itatayo na
Ito ay makaraang aprubahan ng Para­ñaque City Council ang P10 bilyong pondo para sa taong 2020 ng Pamahalaang Lungsod. Buhat sa pondong ito manggagaling ang P120 milyong ipampapagawa sa Baclaran Gateway and People’s Park na nasa tapat ng Redemptorist Church.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines – Nakatakda nang itayo sa unang quarter ng taon ang gusali na paglilipatan sa mga illegal vendors sa Baclaran na nawalan ng hanapbuhay dahil sa isinagawang clearing operation sa sidewalk at kalsada.

Ito ay makaraang aprubahan ng Para­ñaque City Council ang P10 bilyong pondo para sa taong 2020 ng Pamahalaang Lungsod.  Buhat sa pondong ito manggagaling ang P120 milyong ipampapagawa sa Baclaran Gateway and People’s Park na nasa tapat ng Redemptorist Church.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ito ay makaraang aprubahan na rin ng mga sangkot na ahensya kabilang ang Office of the President ang panukala nila para sa naturang proyekto.

Isa pa sa prayoridad ni Olivarez ang pagpapasagawa ng Fisherman’s Warf o ‘Bulungan sa Parañaque” sa Barangay La Huerta sa may Coastal Road na magi­ging bagsakan ng mga sariwang isda at lamang dagat na nakukuha  sa Manila Bay.

“Magiging isa rin itong tourist destination dahil magkakaroon dito ng retail at souvenir stores, palengke at mga seafood restaurants sa second floor kung saan pwedeng ipaluto ang mga nabiling sariwang isda,” paliwanag ng alkalde.

Bukod dito, magkakaroon din sa lugar ng senior citizen wellness center at mga floating restaurants sa gitna ng wharf at Freedom Island na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources.

Maglalaan din ang pamahalaang lungsod ng mahigit P100 milyon para sa “energy renewal” project na kung saan ay magtatayo ng malaking solar panel board sa roof top ng bagong gawang parking building sa likod ng city hall.

Pagtapos ng solar panel sa city hall, lahat ng gusali na pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod tulad ng barangay hall at police station ay kakabitan din ng solar panel board para makatipid ang pamahalaan sa gastos sa kuryente at paraan para makatulong sa kalikasan.

 

vuukle comment

VENDORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with