^

Metro

PNP generals, matatabang pulis pinagyo-yogurt diet

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagda-diet ni Philippine National Police (PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa  ang mga matatabang pulis kabilang ang mga heneral na sinabihan nitong mag-yogurt diet kaugnay ng ‘Body Mass Index’ (BMI) program o ang pagmi­mintina ng tamang timbang ng kapulisan.

 Ayon kay Gamboa , ang BMI ay kabilang sa marching order ni Department of Interior and Local Government  (DILG) Secre­tary Eduardo Año  sa PNP bukod pa  sa tamang asal, basic good manners , right conduct  at tamang bihis.

 “Medyo compliance sa body mass index which we are implementing”, giit ni Gamboa, this will all go through the ranks of the PNP from patrolman up to the generals.”, anang opisyal.

 Ipinahiwatig naman ni Gamboa na kabilang sa pinagda-diet si Brig. Gen. Debold Sinas, Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

 Nabatid pa sa heneral na rekisitos din ang BMI sa ­schooling at promosyon ng mga pulis kaya dapat itong masunod ng mabuti. Samantalang mas mahahabol ang mga tinutugis na kriminal kung maganda ang pangangatawan ng  mga parak.

Sinabi ni Gamboa na nais ng liderato ng PNP na mabuhay ng matagal ang mga pulis kaya dapat na panatilihin ang malusog na pangangatawan at kapag hindi mo ito napanatili ay baka hindi ka na abutin ng pagreretiro.

vuukle comment

DIET

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with