^

Metro

6 Chinese, Pinoy timbog sa kidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 Chinese, Pinoy timbog sa kidnap
Prinisinta ng Anti-Kidnapping Group ng PNP sa pangu­nguna ni Lt. Col. Dexter Versola ang nadakip na 6 Chinese na sina Teng Sheng; Li Jing Zhang; Huang Yu; Zhao Shi Guang; Jiang Wei at Yang Zhen at Pinoy na si Sergio Busuego Jr. (inset) na sangkot sa pagkidnap sa mga biktimang Taiwanese na si Shih Su Yuan at Chinese na si Chen Liyong.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga elemento ng PNP-Anti- Kidnapping Group (PNP-AKG) ang anim na Chinese at isang Pinoy na sangkot sa kidnap for ransom  habang nasagip naman ang kanilang biniktima na isa ring Chinese at Tawainese sa rescue operation sa magkakahiwalay na operasyon sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Sa press briefing sa PNP-AKG, kinilala ni Lt. Col Leo Canuel, Deputy Chief ng Luzon Field Unit ang mga nasagip na biktimang sina Shih Su Yuan, 36, Taiwanese national at Chen Liyong, Chinese national.

Ayon sa opisyal, bandang alas-7:30 ng gabi kamakalawa ng isagawa ang rescue operation sa pinagtaguan sa biktimang si Yuan sa Dormitory Room 510, No. 1643 Camino Street, Guadalupe Nuevo sa lungsod.

 Arestado naman sa operasyon ang mga Chinese kidnappers  na sina Teng Sheng, 32; Li Jing Zhang, 29 Hang Yi Long, 22; Zhao Shi Guang at Jang Wei, 26.

 Si Yuan ay kinidnap ng  5 Chinese sa Camino Street, Guadalupe, Makati City dakong ala-1 ng hapon noong Enero 2 kung saan ayon kay Lt. Col Dexter Versola ng PNP-AKG ay nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa Taiwan Economic and Cultural Office, (TECO) hinggil sa pagdukot sa biktima.

 Agad namang ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakasagip sa biktima at napigilan ang tangkang paghingi ng ransom ng mga suspect sa pamilya nito na nakabase rin sa China.

Kasalukuyan namang nasa PNP General Hospital sa Camp Crame ang biktimang si Yuan dahil sa nakaranas ito ng pagsusuka ng dugo sanhi ng ginawang pambubugbog sa kaniya ng mga suspect.

Samantalang bago ito ay una nang nasagip ng PNP-AKG si Liyong, 26, empleyado ng isang POGO sa  ilalim ng Yong Cheng Premier Corporation sa Theater Drive, Brgy. Carmona ng lungsod.

Sa tala, ang biktima ay kinidnap noong Disyembre 20, 2010 ng suspect na si Yang Zhen kakutsaba ang guwardiyang Pinoy na si Sergio Busuego Jr.

Ikinulong si Chen ng mga suspect sa sarili nitong opisina kung saan tinawagan ng mga ito ang pamilya ng biktima para humingi ng ransom na nagkakahalaga ng 50,000 RMB o katumbas ng mahigit P300,000.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with