^

Metro

Lola lasog sa SUV

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lola makaraang mabundol ng isang sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang doktor habang tumatawid ang biktima sa isang kalsada sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Iluminada Matias, 68, ng Paez Street, Brgy. Concepcion, ng naturang lungsod.  Naaresto naman ang driver  na suspek na si Emmanuel Santos, 58, isang family medicine doctor, at nakatira sa Arellano Street, Brgy. Ibaba, ng nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling araw sa may kanto ng Gen. Luna at Burgos Streets sa Brgy. Concepcion.

Nabatid na tumatawid ng naturang kalsada si Matias nang mabundol ng Toyota Fortuner na minamaneho ni Santos.  Bilang doktor, agad na sinaklolohan ni Santos ang matanda na kaniyang isinugod sa Tondo Medical Center.  Dakong alas-11 ng umaga nang masawi si Matias sa loob ng pagamutan.

Nahaharap ngayon si Santos sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Malabon City Prosecutors Office.

 

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with