^

Metro

21.2 kilo ng meat product, nasabat sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May 21.2 kilos ng meat product ang kinumpiska ng Bureau of Customs na dala ng mga pasahero mula sa ibat- ibang bansa na gustong ipasok sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 1, noong Christmas season.

Sinabi ni NAIA District Collector Mimel Talusan, ang mga meat products ay kinabibilangan ng mga sausages at chicken feet na dala ng mga pasahero galing China, Malaysia at Viet­nam.

Hindi rin pinaligtas ng mga tauhan ni Talusan, ang 8.2 kilos ng ibat -ibang klase ng prutas at gulay na bitbit din ng ilang pasahero galing China.

Ayon kay Talusan, walang maipakitang permit mula sa Bureau of Food and Drugs ang mga pasaherong may dala ng mga produkto.

Sabi ni Talusan, mga pasalubong lamang umano ang mga pagkain dala ng iba’t ibang pasahero para sa kanilang mga pamilya sa bansa.

Samantala, iniutos ni Talusan, na agad isalin sa pag-iingat ng NAIA Bureau of Animal Industry Quarantine Service Ang mga nakumpiskang mga produkto para sa tamang disposal.

 

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with