^

Metro

Grade 6 pupil lunod sa resort pool

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Grade 6 pupil ang nasawi makaraang malunod sa swimming pool sa isang resort sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Rex Billones, 11-anyos, grade VI student na nakatira sa No. 6440 Kayomito St., Camarin, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-10:30 ng gabi sa isang resort na matatagpuan sa Oriole St, Zabarte Subdivision, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Ayon sa report, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang mga menor-de-edad ding mga pinsan sa nasabing resort para mag-bonding at magsaya, gamit ang kanilang perang napamaskuhan.

Nang magutom ay umaahon na umano ang magpipinsan upang kainin ang baon nilang pagkain, subalit napansin nila na nawawala si Billones.

Halos 30 minuto na umanong nilibot ng magpipinsan ang buong resort subalit nang hindi nila mahagilap ang biktima kaya humingi na umano ang mga ito ng saklolo sa mga nangangasiwa ng resort.

Hanggang sa makita sa ilalim ng pool ang biktima kaya agad na sinisid ng isang nakilalang  Richard Galindez at mabilis niyang iniahon ito at dinala sa  Commonwealth Hospital subalit idinekarang dead-on-arrival.

Sa ngayon ay inahanda na ang kaso laban sa may-ari at mga nangangasiwa ng resort dahil sa pagpapahintulot sa mga bata nang walang kasamang matatanda na mag-swimming.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with