^

Metro

Traffic rerouting sa Maynila ngayong Rizal Day

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Traffic rerouting sa Maynila ngayong Rizal Day
Sa traffic advisory, mula alas-6:00 ng uma­ga ay pansamantalang isasara ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard, mula Katigbak hanggang TM Kalaw, kasabay ng traffic rerouting ng mga sasak­yan sa apektadong mga lugar upang makarating sa kani-kanilang paroroonan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa mga motorista na magpapatupad ng traffic rerouting sa lungsod dahil sa pagsasara ng ilang kalsada upang bigyang-daan ang idaraos na ika-123 taong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal at Thanksgiving procession para sa Itim na Nazareno ngayong araw (Disyembre 30).

Sa traffic advisory, mula alas-6:00 ng uma­ga ay pansamantalang isasara ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard, mula Katigbak hanggang TM Kalaw, kasabay ng traffic rerouting ng mga sasak­yan sa apektadong mga lugar upang makarating sa kani-kanilang paroroonan.

Ang lahat ng sasakyan na dadaan sa southbound lane mula sa Delpan Bridge-Pier ay dapat kumaliwa sa P.Burgos kanan sa Ma.Orosa habang ang mga trailer truck naman at iba pang heavy vehicle, na magmumula sa Delpan Bridge-Pier, ay dapat kumaliwa sa P. Burgos, diretso sa Finance Road-Ayala Boulevard, at kakanan sa San Marcelino St., patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan naman na dadaan sa northbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat na kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa habang ang lahat ng trailer truck na dadaan sa Roxas Blvd. mula sa P.Ocampo, ay dapat kumanan sa President Quirino Ave. papunta sa destinasyon.

Ang lahat naman ng sasakyan na manggagaling sa mga tulay ng Mc Arthur, Jones at Que­zon Blvd., na dadaan sa Southbound lane ng Roxas Blvd., mula sa P. Burgos ay dapat na dumaan sa round table papunta sa Ma.Orosa o dumaan sa Taft Ave., hanggang sa kanilang point of destination.

Samantala, upang bigyang-daan naman ang Black Nazarene Thanksgiving Procession, mula 8:30 ng gabi ay isasarado ang southbound lane ng Quezon Blvd. sa Quiapo mula A. Mendoza/ Fugoso hanggang Plaza Miranda; España/P. Campa Lerma; at eastbound lane ng C.M. Recto mula Rizal Ave., hanggang SH Lo­yola St.

vuukle comment

MDTEU

RIZAL DAY

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with