^

Metro

Karnaper naagawan ng baril, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Karnaper naagawan ng baril, arestado
Nakilala ang nadakip na suspek na si Edmar Liwanagan, 32, isang jeepney driver at residente ng Serrano Street, Tondo, Maynila habang nakatakas naman ang kasamahan niyang naki­lala sa alyas na “Mayor”.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nabulilyaso ang tangkang pangangarnap ng dalawang karnaper sa isang Sports Utility Vehicle (SUV) makaraang maagawan ang isa sa kanila ng baril ng kanilang bibiktimahin at nagresulta sa pagkakadakip sa isa sa mga suspek, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Edmar Liwanagan, 32, isang jeepney driver at residente ng Serrano Street, Tondo, Maynila habang nakatakas naman ang kasamahan niyang naki­lala sa alyas na “Mayor”.

Sa ulat ng pulisya, nakaparada sa may Roxas Boulevard Service Road malapit sa Department of Foreign Affairs ang isang Toyota Fortuner na minamaneho ni Arnel Cabutoc, 47, ng Krus na Ligas, Diliman, Quezon City dakong alas-9:30 ng gabi nang bigla siyang tutukan ng baril ng suspek na si Liwanagan at pilit pinapababa sa sasakyan.

Dito nagawang maagaw ni Cabutoc ang baril ni Liwanagan at itinutok sa suspek. Dahil sa panganib, nagtatakbo palayo si alyas “Mayor” at iniwan na lamang ang kaniyang kasamahan na si Liwanagan.

Nakahingi naman ng tulong sa nagpa­patrulyang mga tauhan ng Pasay City Police si Cabutoc na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek na si Liwanagan.  Nakumpiska ng pulisya ang isang kalibre .9mm na baril na may siyam na bala.

Nahaharap ngayon si Liwanagan sa kasong Carnapping at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions sa Pasay City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

EDMAR LIWANAGAN

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with