^

Metro

Mga dayuhang negosyante, binalaan ni Mayor Isko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga dayuhang negosyante, binalaan ni Mayor Isko
Ito ang paalala ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay nang babala na ipasasara niya ang mga ito kung lalabag sa anumang obligasyon at batas sa pagnenegosyo makaraang makatanggap ng ulat na may mga reklamong hindi nagpapasweldo ng tama at hindi rin napagkakalooban ng sapat na benepisyo ang mga manggagawa ng ilang dayuhang kompanya.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kung nais na magpatuloy pa ang negosyo sa bansa, dapat na magbayad ng buwis at sumunod sa patakarang umiiral sa Maynila ang mga dayuhang negosyante.

Ito ang paalala ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay nang babala na ipasasara niya ang mga ito kung lalabag sa anumang obligasyon at batas sa pagnenegosyo makaraang makatanggap ng ulat na may mga reklamong hindi nagpapasweldo ng tama at hindi rin napagkakalooban ng sapat na benepisyo ang mga manggagawa ng ilang dayuhang kompanya.

 “Ayoko na banyaga na nga kayo, aapihin nyo pa ang Filipino pagdating sa sweldo nila. Don’t hire if you cannot pay what they deserve---SSS, Pag-Ibig-- or I will close your shop,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng alkalde na hangga’t maaari ay ayaw niyang gumawa ng malupit na hakbang kaya’t binabalaan muna niya ang mga ito.

Gayunman, kung sa kabila aniya ng kanyang babala ay ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang mga maling gawain ay wala na siyang magagawa kundi gumawa ng kaukulang aksiyon hinggil dito.

 “Now if despite our warning the injustice or wrongdoing persists, then there is no more reason for those who will be affected by the actions of the city government to complain.”

Samantala, nanawagan rin siya sa mga establisimento na bigyan ang mga senior citizens at mga persons with disability ng pagkakataon na maging produktibong mamamayan ng Maynila sa pamamagitan nang pagbibigay ng oportunidad sa mga ito na makapagtrabaho.

vuukle comment

ISKO MORENO

PAG-IBIG

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with