^

Metro

35 isnaberong taxi drivers, sinampolan ng PNP-HPG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
35 isnaberong taxi drivers, sinampolan ng PNP-HPG
Sinabi ni PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos ang pinaigting na operasyon ng kanilang mga operatiba ay isinagawa mula Dis­yembre 19 hanggang sa kasalukuyan.
The Freeman/Paul Jun E. Rosaroso

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos mahuli ang 35 mga pasaway na driver na nang-iisnab ng mga pasahero ngayong holiday season sa serye ng operasyon sa Metro Manila, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos ang pinaigting na operasyon ng kanilang mga operatiba ay isinagawa mula Dis­yembre 19 hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid sa opisyal, na marami silang natatanggap na reklamo hinggil sa mga isnaberong taxi driver na namimili ng mga pasahero ngayong holiday season o sa panahon ng kapaskuhan.

Samantalang iniutos rin ni Carlos  sa mga PNP-HPG personnels sa Davao at Cebu ang panghuhuli rin ng mga isnaberong driver.

Inihayag nito na ang panghuhuli  ng mga isnaberong driver ay isinagawa ng PNP-HPG katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng maigting na pagpapatupad ng kampanya sa Oplan Isnabero ngayong holiday season para protektahan ang mga pasahero mula sa mga mapili at nang-iisnab na mga taxi drivers.
Sinabi ni Carlos ang mga nahuling driver ay magmumulta ng P5,000 hanggang P10, 000 sa pangalawang paglabag, at  P15,000 sa pangatlong paglabag at kasunod na paglabag ay kanselasyon na ng prangkisa ng mga ito.

vuukle comment

PNP-HIGHWAY PATROL GROUP

TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with