^

Metro

‘Richard Gomez’, kalaboso sa pananaksak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Richard Gomez�, kalaboso sa pananaksak
Nauna rito, masa­yang nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan nang sa hindi tinukoy na kadahilanan ay makaalitan nito ang suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang estudyante na kapangalan ng beteranong aktor na si Ormoc City Mayor Richard Gomez nang umano’y saksakin ang isang binatang nakaalitan niya sa Brgy. Sagad, Pasig City, nabatid kahapon.

 Ang suspek na si Richard Gomez (hindi ang aktor), 25, ay nahaharap sa kasong frustrated homicide  sa piskalya matapos na umano’y saksakin ng   basag na bote ang biktimang si Aldrin Collantes, 26, sa Villa Lamok, Brgy. Sagad.

 Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police na dakong alas-11:50 ng gabi ng Disyembre 17, nang maganap ang krimen, ngunit alas-5:00 ng madaling araw lamang kamakalawa nang maiulat ito sa pulisya.

 Nauna rito, masa­yang nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan nang sa hindi tinukoy na kadahilanan ay makaalitan nito ang suspek.

 Sa kalagitnaan nang pag-aaway ay naka­dampot umano ng isang basyong bote ang suspek at binasag ito, at saka ginamit sa pana­naksak sa biktima.

 Kaagad namang naisugod sa Pasig Gene­ral Hospital ang biktima at isinailalim sa medikasyon, habang ang suspek naman ay naaresto ng mga rumes­pondeng tauhan ng Barangay Sagad Security Force at itinurn-over sa pulisya.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with