^

Metro

Drug den, ni-raid: 5 drug suspects timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Drug den, ni-raid: 5 drug suspects timbog
Nakilala ang mga nadakip na sina Kazuyoshi Tanaka, 19; Katherine Sunga, 28; Rosemarie Carpio, 39; Salvacion Balaor, 51 at Sonny Roberto, 29, pawang mga nakatira sa 1st Avenue BMBA Compound, Brgy. 120 Zone 10, ng natu­rang lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ni-raid ng mga tauhan ng Northern Police District ang isang drug den kung saan nadakip ang limang drug suspek kabilang ang isang Filipino-Japanese na naglalako ng nasa P170,000 halaga ng shabu, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Kazuyoshi Tanaka, 19; Katherine Sunga, 28; Rosemarie Carpio, 39; Salvacion Balaor, 51 at Sonny Roberto, 29, pawang mga nakatira sa 1st Avenue BMBA Compound, Brgy. 120 Zone 10, ng natu­rang lungsod.

Sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ang NPD-Drug Enforcement Unit ang isang bahay na ginagawang drug den sa. 69 1st Avenue, BMBA Compound, sa naturang barangay.  Ito ay makaraan na magpositibo sa intelligence gathering ng pulisya ang nagaganap na bentahan ng ilegal na droga at sa naturang bahay na ito ay ginagamit ng mga parokyano sa pagtira ng ilegal na droga.

Nagawang makabili ng ­ilang plastic sachet ng shabu ng poseur buyer sa mga suspek dahilan para makubkob sila nang magbigay na ang asset ng senyales ng matagumpay na transaksyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang medium size plastic sachet, tatlong maliit na plastic sachet at isang bukas na plastic sachet na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 25 gramo at may halagang P170,000. Nakumpiska rin sa lugar ang ilang aluminum foil na ginagamit ng mga umiis­kor ng droga, lighter at iba pang paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sellinf of Illegal Drugs); Sec. 6 (Maintaining of Drug Den); Sec. 11 (Possesion); Sec. 13 (pot-session) at Sec. 15 (Used of Illegal Drugs) sa ilalim ng Article ll of R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

DRUG DEN

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with