^

Metro

NCRPO, 2 araw na full alert

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NCRPO, 2 araw na full alert
Sinabi ni Sinas na nakipagusap na siya kay Chief Justice Diosdado Peralta at Judge Reyes hinggil sa ipatutupad na seguridad sa promulgasyon.
The STAR/ File

Sa promulgasyon ng maguindanao massacre

MANILA, Philippines — Isasailalim sa dalawang araw na full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO)  mula Disyembre 18  hanggang 19 sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City bilang bahagi ng security measures kaugnay ng gaganaping promul­gasyon sa Maguindanao massacre.

Sa Disyembre 19 ay ibababa na ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City  Regional Trial Court (RTC) Branch 221 ang hatol sa dekadang Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao kabilang ang 32 mediamen sa Ampatuan, Ma­guindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Sa press briefing sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10, sinabi n NCRPO Acting Director Police Brig. Gen. Debold Sinas na sa ilalim ng full alert status ay kanselado muna ang lahat ng bakasyon ng mga PNP personnels.

Ayon kay Sinas ang buong Camp Bagong Diwa ay naka-full alert  upang tiyakin ang seguridad habang isinasagawa ang promulgasyon ng kaso.

Inihayag ng opisyal na nasa 730 mga pulis ang idedeploy sa bisinidad ng nasabing kampo upang tiyakin ang seguridad habang isinasagawa ang promulgasyon.

Tiniyak rin ni Sinas ang seguridad ng mga hurado at pro­secutor sa nasabing kaso.

“We provided close-in security with the judge we also provi­ded bullet proof na sasakyan “, pahayag ni Sinas sa mediamen.

Nilinaw naman ng opisyal na ang pagbibigay seguridad ng NCRPO sa mga huwes  at prosecutor ay hindi natatapos sa araw ng promulgasyon o pagbababa ng hatol.

Sinabi ni Sinas na nakipagusap na siya kay Chief Justice Diosdado Peralta at Judge Reyes hinggil sa ipatutupad na seguridad sa promulgasyon.

 Samantalang nakipagkoordinasyon na rin ang NCRPO sa Special Action Force (SAF) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at napagkasunduan na ipatupad ang lockdown sa loob ng kampo mula Disyembre 18-19.

 Sa promulgasyon ng kaso ay hahatulan na ang mga masterminds sa Maguindanao massacre sa pangunguna ng magkapatid na sina dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan.

vuukle comment

AMPATUAN

JOCELYN SOLIS-REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with