^

Metro

Volunteer firefighters pinuri ni Isko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Volunteer firefighters pinuri ni Isko
Manila Mayor Isko Moreno
The STAR/File

MANILA, Philippines — Binigyang puri ni Manila Mayor Isko Moreno ang volunteer firefighters dahil sa kanilang dedikasyon sa pagtulong nang kusa sa mga nasusunugan kahit nalalagay sa panganib ang kanilang mga sarili sa pagtugon sa kanilang tungkulin.

Ito ang naging pahayag ng alkalde sa kanyang pagdalo sa TXTFire Grand Eyeball kamakalawa sa Chiang Kai Shek College Auditorium, sa Tondo, Maynila.

Kilala ang grupong TXTFire Philippines na pinamumunuan ng founder at president na  si Gerie Chua at mga 3,000 volunteers na may 500,000 miyembro sa buong bansa.

Magkasamang dumalo si Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles.

Hindi lamang sa mga insidente ng sunog makikita ang pagtulong ng nasabing g­rupo dahil boluntaryo silang nakikiisa sa mga pag­lilinis at iba pang aktibidad ng Manila City Government.

“Minsan, ‘di n’yo na iniisip ang mga mahal ninyo sa buhay dala ng public service.  Mahirap talaga ang public service,” ani Moreno sa mga volunteer.

Binati na ng ‘Merry Christmas at Happy New Year’ ng alkalde ang grupo at hiniling din sa Diyos ang kanilang kaligtasan lalo na ang pagbabantay sa pagsapit ng Bagong Taon na marami ang nagpapaputok.

Isang personalized plaque of recognition na sumbrero ng bumbero ang ipinagkaloob kay Isko matapos ang speech nito.

vuukle comment

ISKO MORENO

VOLUNTEER FIREFIGHTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with